NI GERRY OCAMPO
NAG-POST ni Bela Padilla sa kanyang Instagram ang ilang larawan nila ng boyfriend na si Norman Bay with matching birthday wish.
Tila mas priority ni Bela ang kanyang lovelife at kailan lang nagdiwang ng kaarawan ang kanyang Swiss boyfriend.
Sa ngayon, naka-base na si Bela sa London at bumabalik lang siya ng Pinas para sa ilang commitment.
Paglilinaw niya, walang kinalaman ang boyfriend kaya siya nagdesisyon tumira sa London.
“There are many reasons why I moved here. One of them is because I feel like the world stopped during pandemic and I have been looking for something new to do in my life. I feel like at this point, I will be more productive here. It just ,makes more sense for me to live here,” depensa ni Bela.
Nagkakilala sila ng boyfriend nang mag-shoot siya ng pelikula sa Switzerland na “Meet Me In St Gallen” noong 2017.
Hindi raw siya titigil sa pagdidirek hanggang may magagandang istorya siyang gustong i-share sa lahat.














