Latest News

BELA NINERBYOS SA UNANG DIRECTORIAL JOB

NI WALLY PERALTA

HINDI makapaniwala hanggang sa ngayon Bela Padilla na ang isa sa wish niyang gawin sa kanyang showbiz career ay maging isang direktora ay natupad na.

Ito ay binigay sa kanya through Viva Films’ “366” na streaming this April 22 sa Vivamax, kung saan bukod siya ang direktor ay siya pa rin ang leading lady nina Zanjoe Marudo at JC Santos.


Aminado si Bela na sa sobrang tense at excited niya sa pagdidirehe ng movie ay “sumablay” siya sa first day shooting nila.

“Sa sobrang kaba ko siguro or talagang naninibago ako, nakalimutan kong sumigaw ng ‘Sound’ and ‘Camera.’ I went straight to action na hindi nag roll ang sound and camera. Kung artista ka, ang hinihintay mo lang palagi ‘yung action, hindi mo na hinihintay ang ‘Sound’ at ‘Camera.’ Dapat in the zone ka na. But as a director, kailangan mo siyang isigaw. I had that moment.

“I quickly realized, Oo nga pala. Hindi lang ako actress on the set today. We had to repeat that take and I had to say ‘Sound’ and ‘Camera.’

“Nagtawanan sila. I felt super rattled. Tumawa lang din ako, pero hindi nila alam kabadung-kabado ako,” kuwento ni Bela.


Bukod sa pagsablay sa unang araw, anong klaseng direktora kaya itong si Bela, istrikta o yung tipong naninigaw?

“Ayoko nang may naninigaw sa set at ayoko ng may nababad-trip. Sabi ko sa kanila, dahil naka-bubble kami dahil pandemic, siyempre kami-kami lang din ’yong magkakasama ng ilang linggo.

“So, mahirap kung isa sa amin malungkot or masama ’yong loob. So, kung meron mang bad trip, papayagan kong lumabas sila ng set ng five minutes tapos balik ulit,” paliwanag ng actress-director.


Tags:

You May Also Like

Most Read