Latest News

BEAUTY QUEENS NA-SHOCK SA GINAWA NI ARIELLA SA ‘BREATHE AGAIN’

NI JULIE E. BONIFACIO

Emosyonal ang beauty queen na si Ariella Arida sa presscon ng launching movie niya sa Vivamax with Tony Labrusca titled “Breathe Again.”

Medyo matagal na rin kasi sa showbiz si Ariella at may ilang pelikula na rin siyang nagawa.


But this is the first time daw na ginawa niya ito sa character bilang si Joanna sa “Breathe Again” directed by Raffy Francisco.

“From first hanggang sa ending, doon ko na-realized ‘Oh, sobrang swak ng title-Breathe Again.’ And yung mga eksena naman na hinihingi sa akin it really, parang nasa role talaga. Kailangan talaga siya sa eksena. Hindi siya para gawin ko lang ‘to basta-basta. But, meron pa rin siyang deeper, part pa rin ng role. Kaya for me, it’s easier to do that. Dahil may karga ako, role ko naman ‘yun. Hindi naman ako si Ariella (sa movie). So, mas kaya ko siyang gawin. Mas malalim ‘yung pinaghuhugutan,” paliwanag ni Ariella.

Pinapanood na raw ni Ariella ang “Breathe Again” sa mga kaibigan niya na beauty queens.

“Actually, start pa nga lang na-shocked na sila, eh. Pero very happy naman sila lahat po sa naging turn-out ng ginawa ko. And, they’re quite surprised as well na I can do those kind of roles.


“So, parang this time mas masha-shock sila kasi kinaya ko pala siya. Kinaya kong gawin. So actually, more on excited ako for them. Excited ako for them na mapanood,” say pa ni Ariella.

Inamin ni Arielle na nu’ng una raw ay nahihiya siya na ipapanood sa kanyang mga kaibigan na beauty queens ang “Breathe Again.”

“Pero nu’ng ginagawa ko na ‘yung pelikula, tapos alam ko sa sarili ko, oh, my God! Lahat ng pagod na ginawa ko rito, lahat ng pagod ko for the role and everything, after kong matapos ‘yung movie, wala na ako’ng masabi kundi I’m proud of this film. Kaya ko siyang i-share sa friends and family ko.”

Sa tanong kay Ariella tungkol sa kanyang ng lovelife, sagot niya: “Happy naman ang lovelife ko. Happy naman ako. I mean, steady relationship. Magti-rhree years na (kami). Non-showbiz.”


Pinoy daw ang kanyang boyfriend at isang businessman.

“Alam naman niya ‘yung ginagawa ko. Very supportive siya sa work ko. Buti na lang hindi siya seloso. Pero may matindihang explanation. Hahaha! Hindi kasi siya masyadong familiar sa showbiz.”

Sa tanong kung ipapanood din ba ni Ariella sa kanyang boyfriend ang “Breathe Again, ” eto ang sabi niya: “ Why not? Kaya kong ipapanood (sa kanya). Hahaha.”

Ang “Breathe Again” ay ang unang full- length movie ni Raffy Francisco na kilala bilang direktor ng TV commercials. Siya mismo ay mahilig sa dagat at ito ay makikita sa kanyang mga kuhang litrato.

Shoeing ang “Breathe Again” sa Vivamax sa June 3.

Mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax. For as low as P99, pwede nang makuha ang VIVAMAX PLUS. Sa pamamagitan ng special feature na ito, maaaring makapanood ng digitally-enhanced movies, concerts, digital premiere nights at advance screening ng mga gusto ninyong Vivamax titles.

Tags: Ariella Arida

You May Also Like

Most Read