Beauty Gonzales titigil na sa showbiz

NI GERRY OCAMPO

NAG-CELEBRATE ng 31st birthday si Beauty Gonzales at dahil nasa lock-in taping siya ng “The Fake Life, ” ang mga co-star ang nakasama niya sa sa celebration ng kaarawan.


Pagkatapos na lang daw ng taping siya magpa-party.

“I’ll be working on my birthday, blessing ito sa akin. Thankful ako sa GMA sa projects na ibinigay sa akin dahil iba-iba ang role at different story. I’m very happy at happy ako sa suporta ng family ko, wala na akong mahihiling pa,” say ni Beauty.

Gaganap siya bilang si Cindy, isang marupok na housewife na magkakaroon ng relasyon sa dalawang lalaki.


Alam ni Beauty na maraming makaka=relate sa character niya kapag napanood ang series.

Thankful siya sa kanyang very supportive husband.


Kaya niya raw nagagawa ang mga project niya at iba’t ibang roles ay dahil sa suporta ng mister.

“Pinag-usapan namin ng asawa ko, sabi niya, fulfill all my dreams muna, alam niyang gusto kong i-break ang belief na kapag may asawa at anak na hindi na puwede sa ibang role. I wanna prove na kaya ko ang different roles at ibinibigay sa akin, ‘yun,” “After six years, I wanna stop na. May promise ako sa husband at daughter ko na if she turns 10, titigil na ako sa showbiz. Magdadalaga na siya by that time and I wanna support her, Now, I’m rarely home, kaya babawi ako sa kanya. After six years, stop na ako sa pag-aartista,” sabi pa ng aktres.


Tags: Beauty Gonzales

You May Also Like