Latest News

BEA GUSTO NANG MAG-ASAWA PERO …

Ni Beth Gelena

SUPER-LIKE na raw talaga si Bea Alonzo na pakasalan na siya ng boyfriend na si Dominic Roque.

Sa isang panayam kay Bea, natanong ang aktres kung ano ang isasagot nya sakaling mag-propose na ang boyfriend.

“Kung sakali man na magpo-propose siya, siyempre, o-oo ako.”

Subalit may pasubali ang Kapuso aktres, dahil sa ngayon daw ay marami pa siyang gustong gawin.

“Well, darating din tayo riyan. Pero sa ngayon, parang hindi pa ‘yon ang circumstances ko. Pero sa ngayon, parang I have a lot of dreams to achieve pa rin.

“At ngayong nagsisimula pa lang ako sa GMA, I’m about to do my first teleserye with them and I’m very, very much excited. Nagsisimula pa lang ako, parang malayo pa ang lalakbayin namin,” paliwanag ni Bea.

Last March 26, sinabihan na sila na maghanda para sa pagsisimula sa primetime series ng GMA-7 na “Start Up,” ang Pinoy adaptation mula sa K-drama.

“We we’re told na hindi siya bubble. Parang pinapayagan na yata na hindi siya bubble. But just the same, meron pa rin yatang three days straight and then, two days break. In a way, parang bubble, pero makakauwi kami sa kanya-kanya naming bahay and everytime, may RT PCR test kami para safe kaming lahat, “ kuwento ni Bea.

Tags:

You May Also Like

Most Read