Latest News

BEA ALONZO BORING NA JOWA

Ni Beth Gelena

ISA rin sa mean question na nabasa ni Bea Alonzo sa kayang vlog ay boring umano siyang girlfriend.

Masyado rsw kasi siyang perfectionist, ayon sa mga Marites, kaya iniiwan ng mga karelasyon.


May nagcomment kasing “parang perfectionist” ang aktres pagdating sa mga nakarelasyon.

Sagot naman ni Bea sa komento ng netizens: “I am not a perfectionist. In fact, I, myself, am not perfect and nobody is perfect, and I don’t strive to be one, nakakapagod siguro yun.”

“But I strive to have a comfortable and honest relationship. So, hindi ako perfectionist.”

Noon daw ay totoong idealistic siya pagdating sa pakikipagrelasyon pero may natutunan daw siya sa kanyang past relationships.


“Dati, idealistic ako, I have to admit. Natutunan ko na ang beauty ng compromise and, sa totoo lang, napasama nga ako dahil I compromised so much in the past, so dapat may boundaries,” pag-amin ng Kapuso aktres.

Sagot ng netizen, mahilig daw kasi si Bea na sinasakyan ang hobby ng mga naging boyfriend.

“Wehhh kung anong hilig ng mga jowa mo @beaalonzo hinihilig rin. Seasonal ang hilig walang originality, pag mag break ayaw na rin tpos next hilig ng jowa ganun ulit.”

Komento tuloy ni Bea: “Ugh, galit na galit siya.”


“Well, totoo naman, kung ano yung hilig ng dyowa ko nagiging hilig ko rin.

“Parang gusto kong pasukin yung mundo niya so that I can understand him.

“Like, dati meron akong naging boyfriend, mahilig sa golf, so nag-golf din ako. Meron naman mahilig sa exercise so I got into fitness. (itago natin siya sa initial na ZM at GA).

“Ngayon, hindi pa naman ako nagmu-motor, mahilig mag-motor si Dom. Pero, I don’t think there’s anything wrong with it. Siguro, hindi nyo lang nakikita na meron din ako na mga hilig or hobbies na nagugustuhan din ng boyfriends ko,” say pa ng aktres.

Giit ng isa pang netizen: “Parang ang boring maging jowa ni Bea.”

Hirit tuloy ni Bea: “Tanong natin kay Dom! Parang okay naman siya, happy naman siya.”

Tags:

You May Also Like

Most Read