Latest News

BAYANI GUSTO NA RIN MAGING DIREKTOR

NI GERRY OCAMPO

NAKATSIKAHAN namin ang isa sa hosts ng noontime show ng TV5 na “Lunch Out Loud” ang after ng taping ng “Maritest” isa sa segment ng programa si Bayani Agbayani.


Very proud lolo ang aming kausap dahil buntis na naman daw ang kanyang anak na si Thalia sa brother ni Bes Alonzo na si Juan Carlos.

How was it to be a lolo?

“Ayun… masaya… sobrang saya kasi magdadalawa na ang anak nila Thalia at lalaki uli,” masayang sabi ng komedyanteng TV host.


Hindi itinatago ni Bayani na siya ay maka-BBM at natutuwa siya na nanalo ito.

Kwento pa niya, sa kanilang pamilya raw ay siya ang BBM supporter, pero mga anak niya ay Kakampinks.


“Ginagalang ko kung sino ang kanilang sinusuportahan. Hindi ko sinasaklawan ang kanilang karapatan na pumili ng gusto nilang maging lider ng ating bansa.

“Nagpapalitan kami ng aming opinyon but at the end of the day isa pa rin kaming pamilya na nagmamahalan,” kiwento ni Bayani.


Regarding his career, pangarap din palang maging direktor ni Bayani.

“Nagsabi na rin ako kay Bossing Vic del Rosario na gusto kong magdirek. Pumayag naman siya. Under Viva talents na rin ako, eh.”

Sa ngayon ay nag-iisip.pa raw siya ng magandang konsepto na syempre pa isang comedy at siya rin ang bida.



Kukuha rin daw siya nang mahusay na direktor na mag-a-assist sa kanya.

Bakit hindi niya pinasok ang pulitika?

“Ako kasi kung ano ang binibigay ng Panginoon sa akin masaya na ako roon. Tulad nang pagkakasama ko rito sa LOL, magpapagupit ako noong nakita ko si Jayson Gainza, tanong ko kung saan siya pupunta sabi niya kay Javi Benitez.

“Tinawagan ko rin si Cong. Javi yun sabi niya pumunta ako. Agad-agad nasama na ako dito sa LOL. Ganun din naman yung nangyari sa.akin sa “I Can See Your Voice.

“Una reliever-reliever lang ako hanggang sa naging regular ako, even sa ‘Home Swettie Home’kaya hindi ko pinaplano dumarating siya,” sabi ni Bayani.

Samantala, nagbigay din siya ng mensahe sa mga bumabatikos kay President-elect Ferdinand Marcos III.

“Sana po tumanggap tayo ng pagkatalo. Suportahan na lang po natin ang ating bansa. Magkaisa na po tayong lahat. Bigyan natin ng chance ang bagong uupong administrasyon lalo na po si BBM. Unity ‘yan naman po talaga ang kailangan ng ating bansa. Wag na po tayong magwatak-watak para sa ikauunlad.ng bansang Pilipinas,” ani Bayani.

Tags: Bayani Agbayani

You May Also Like

Most Read