Latest News

BAYANI AGBAYANI PROUD SA FATHER’S DAY GIFT NG ANAK

By: Beth Gelena

ANG ganda naman ng regalo ng anak ni Bayani Agbayani sa kanya ngayong Father’s Day.

Nagtapos kasi sa kolehiyo na summa cum laude lang naman ang pangalawang anak niyang si Rosalinda Marie ng kursong Tourism Management sa University of Sto. Tomas (UST).

Nagmartsa ang kanyang anak noong June 15 at sobrang proud si Bayani na ipinost ito sa kanyang Instagram.


Silang mag-asawa ang um-attend sa graduation ceremony ng kanilang anak.

Lubos naman ang pasasalamat ni Bayani sa Diyos dahil sa nakamit ng anak.


“Thank you Lord, Summa Cum Laude po ang anak kong si Rosalinda Marie Rogacion sa UST College Of Tourism,” ang caption ni Bayani sa kanilang larawan.

Pinasalamatan din niya ang anak.


“Salamat sa mga anak na nagsumikap na maka-graduate at maialay ang diploma sa mga magulang at mahal sa buhay.
Congrats anak Rosalinda! We are So proud of you,” pagmamalaking post ni Bayani.

Inulan din ng pagbati mula sa kapwa artista si Bayani.

Say ni Vhong Navarro: “Congratulations” with pray sign and red heart emoji.

“Wow! Congrats Rosalinda! and to the loving Parents Len and Yani, ” ani Jessa Zaragoza.

“Congrats patid and len, congats rosalinda l, galing, ” with clap emojis naman ang komento ni John Estrada.

Pabati naman kay Sylvia Sanchez: “Galing!!! Congratulations Rosalinda, Bayani and Lenlen. mana si Rosalinda sa akin.”

Binati rin ang komedyante nina Ogie Alcasid, Jayson Gainza at Angeline Quinto.

Tags: Bayani Agbayani

You May Also Like

Most Read