BARBIE INAMING ‘NILIGAWAN’ SI RYLE SANTIAGO

NI BETH GELENANI BETH GELENA

INAMIN ni Barbie Imperial na siya ang unang gumawa ng move noon para maging boyfriend si Ryle Santiago.

Sabi ng aktres, first time niyang ginawa ang manligaw sa isang lalaki at iyun ay sa first boyfriend niyang actor na si Ryle.


Ito ang sagot ni Barbie sa fans sa kanyang YouTube vlog last July 27.

Sa tanong na: “Dumating ka na ba sa time na ikaw ang nanligaw sa lalaki?”


Sagot ni Barbie: “Oo naman, sa first boyfriend ko, kay Ryle.”

That time ay nagkatrabaho sina Barbie at Ryle sa “It’s Showtime” as part of GirlTrends and Hashtags, ang dancing group ng boys and girls.


“Ako talaga ‘yung may gusto sa kanya tapos nung time na ‘yun iba-iba pang GirlTrends may gusto sa kanya,” kuwento ni Barbie.

“Medyo may mga kaagaw pa ako noon pero naipanalo ko naman.”

Pero may kambyo si Barbie sa kanyang ginawa.

“Well, hindi ko gusto ‘yung thought kasi syempre lalaki dapat ‘yung manliligaw pero ‘yung experience na ‘yon, looking back at it, medyo laugh trip na lang talaga siya.”

Aside kay Ryle, sinagot din niya kung sinong past relationships na nasaktan siya nang husto.

“Honestly, ‘yung pinaka-nasaktan talaga ako, I think kay.Diego (Loyzaga) talaga. Siya ‘yung boyfriend ko na alam niya talaga lahat about me.

“May mga conversations na kami about getting married, kung saan kami titira, mga plans sa buhay — kay Diego ko lang na-experience ‘yon.

“‘Yun siguro ‘yung reason kung bakit sobrang sakit sa akin kasi pinlano ko ‘yung buhay ko with him tapos biglang nawala. Pero gano’n naman talaga and there are lessons learned,” kuwento ni Barbie.

Sina Barbie at Ryle ay naging magdyowa noong 2017, pero naghiwalay naman daw sila nang maayos noong 2019.

Ang naging maingay ay ang paghihiwalay nila ni Diego last February 2022 kahit pa marami ang nag-Maritess na bago pa matapos ang 2021 ay break na sila.

Tags: Barbie Imperial

You May Also Like

Most Read