BANGS GARCIA BALIK-PINAS PARA MAG-BRIDESMAID SA KASAL NG BFF

NI BETH GELENA

REMEMBER actress Bangs Garcia?


Narito siya ngayon sa Pinas kasama ang dalawa niyang junakis na baby girls — Isabella and Amelia.

Mula kasi ng mag-asawa ang aktres, nag-stay na siya sa UK at tinalikuran na ang showbiz.

Umuwi sa bansa si Bangs last March para lang umattend ss kasal ng kanyang bestfriend dahil kinuha siyang bridesmaid.


Sa Instagram ng former actress, may photos siyang in-upload na nasa beach trip silang mag-iina sa Samal, Davao.

Caption ni Bangs: “Good to be back in Davao City! Gimingaw ko sa mga beach resorts diri.”


Sa isa namang photo, pinakita niya ang kanyang tattoo kung saan naka-bikini siya.

Say niya sa pinost na photo: “Never had a chance to take a proper photo showing off my first ever tattoo 4 months ago. So… here it is! Happy Summer, Loves!”


Walang binanggit si Bangs kung hanggang kailan sila mag-stay ng Pinas.

Tags: Bangs Garcia

You May Also Like