NI WALLY PERALTA
KUNG ang pag-uusapan ay posibleng balikan blues nina Kylie Verzosa at Jake Cuenca, tila malabo pa sa sabaw ng pusit na mangyari ito sa ngayon.
Base sa komento ni Kylie sa tanong kung feel ba niyang makaharap sa ngayon o makausap ang dating boyfriend for almost 3 years, masasabi kaya niya nang harap-harapan sa ex-dyowa ang titulo ng movie nila ni Zanjoe Marudo na “Ikaw Lang Ang Mahal” na streaming sa May 20 sa web.vivamax.net.
“Hindi kasi kami nag-uusap, e. Pahinga muna. Focus muna sa career…work and career,” sagot ni Kylie.
Hindi rin ganun kadali para kay Kylie na maghilom ang sugat na dulot ng break up nila ni Jake.
“Take it a day at a time. Tapos, feeling ko time will heal all wounds. Nagpapasalamat talaga ako sa lahat ng nangyari,” dagdag ni Kylie.
Hindi naman sinasara ni Kylie ang posibilidad na umibig siya muli pero sa mga panahon na ito at sa darating pang mga araw ay no lovelife muna ang kanyang peg.
As in focus na muna sa sarili at love yourself na muna ang beauty queen turned actress.
“Oo, sinabihan ko ang sarili ko na ikaw lang ang mahal ko. Pahinga muna ang puso. Pahinga muna. Work muna. Balik work,” say ng broken-hearted actress.














