Latest News

BAGUHANG PRODU, HUMAKOT NG INTERNATIONAL AWARDS

NI WALLY PERALTA

MARAMI ang nagtaas ng kilay sa baguhang producer na si Teresita Tolentino Pambuan dahil sa ipinakita niyang lakas ng loob ng mag-produce ng isang pelikula kahit nasa gitna pa ng pandemya sa bansa.

Ang naturang movie ay ang “Minsa’y Isang Alitaptap” na pinagbibidahan ng mga batikang aktres na sina Teresa Loyzaga at Gina Pareno sa ilalim ng direksyon si Direk Romm Burlat.


Nang maimbitahan ang “Minsa’y Isang Alitaptap” na lumahok sa iba’t ibang international filmfests, eh, humakot lang naman ito ng sangkaterbang major awards.

Ilan sa nga ito ay ang:
1. Star Hollywood Awards, USA
Best Actress – Teresa Loyzaga
Best Director – Romm Burlat
Best Producer – Teresita Pambuan
2. World Film Festival, Singapore
Best Actress – Teresa Loyzaga
Best Direvtor – Romm Burlat
3. Lacorne International Filmfest, France
Finalist
4. Cannes World Filmfest
Finalist

Dahilan sa dumarami ang nais na mapanood ang naturang pelikula, extended ang showing nito hanggang Feb. 8.

Watch now for only P300 when you are in the Philippines and $6 kung kayo ay nasa abroad.


Just click http://www.ktx.ph/category/minsay-isang-Alitaptap.

Tags: Teresita Tolentino Pambuan

You May Also Like

Most Read