BAGS NA BINEBENTA KIM CHIU LAGING SOLD OUT

NI BETH GELENA

FAKE news ang sinasabing nagsara agad ang bag business ni Kim Chiu na nag-open lang last October 16.


May nagbalita kasing kinabukasan daw tapos ay nagsara na ito na hindi naman totoo.

Katunayan kahit isang buwan pa lang mahigit ang House of Little Bunny ni Chinita Princesss, laging sold-out ang bags.

Nagpahiwatig nga sa isang post ng pagkatuwa sa matagumpay niyang bag business ang Kapamilya actress-TV host.


Sabi ng isa nilang client sa comment section ng HoLB page: “Done! Bago pa magsold out. Nice yung quality ng bag.”

Ayon kay Kim, repeat customer na raw.nila ang nagkomento.kaya sinagot niya ito.


“Reorder! Thank you again for supporting my baby biz! Love you!! Thanks also for the great review @houseoflittlebunny.ph,” reply ni Kim.

“Baby biz” kung tawagin ni Kim ang HoLB dahil ito raw ang business na masasabi niyang kanya talaga.


Tags: KIm Chiu

You May Also Like

Most Read