NI BETH GELENA
INALMAHAN ni Atom Araullo ang disinformation tungkol sa kanyang ina na umano’y isa raw itong NPA.
Sa Twitter account ni Atom, aniya: “I don’t usually call out private individuals here, but behavior like this should not be normalized. Disinformation is a huge problem globally, one that can have deadly consequences.”
Sinabi niyang ang mga naka-post sa social media ay pawang kasinungalingan.
“Don’t do that. These are lies, probably fed to you by some of the influencers you follow. Kailan pa naging katanggap-tanggap yung ganito?” sabi pa ni Atom.
Mukhang iniintriga na rin ang journalist na si Atom na tahimik lang sa kanyang trabaho. Nang mag-post siya ng larawan na umano’y rumored girlfriend na si Zen Hernandez doon na nag-umpisang intrigahin ang Kapuso journo.














