NI BETH GELENA
SA vlog ni Star For All Seasons Vilma Santos-Recto titled “A Reunion After 27 Years,” muling nagsama-sama ang dating mga dating katrabaho ni Ate Vi sa show niya noon na “Vilma!”
Nag-reunion ang grupo sa ni-renovate na Metropolitan Theater.
Doon kasi ginagawa ang “Vilma!” show ni Ate Vi.
Kasama niya sina Chit Guerrero (executive producer), Maribeth Bichara (choreographer), at Roderick Paulate (best friend at co-host niya sa show) na umikot sa newly-renovated Metropolitan Theater, na dating tahanan ng kanilang musical-variety show.
Hindi napigilan ni Ate Vi ang maluha habang nagbabalik sa kanyang alaala ang masaya nilang halakhakan kapag nagti-taping na sila ng kanyang variety show.
Nagkita-kita sila sa gate entrance ng MET at bawat isa ay nagtitilian habang magkakayakap.
Ang “Vilma” show ni Ate Vi ay napanood sa GMA7 from 1986 unti 1995.
Ayon kay Ate Vi, ang na-miss niya sa kanyang programa ay ang mga Vilmanians.
Isa raw ito sa mga nami-miss niya sa kanyang buhay-artista.
“Ganun ko kamahal yung mga fans. Parang… hindi ko alam kung paano ko susuklian yung pagmamahal nila sa akin. Para magtagal ako sa industriya talaga.
“I just miss my life in showbiz. Nakikita ko silang nahihirapan.
“Imagine, ang iba hindi pa nagla-lunch, nakapila na maaga para makita ka lang.
“Bumibiyahe. May mga nanggagaling sa probinsiya, na dala ang bus nila. Hindi kumakain, knick-knack knick-knacks lang siguro just to see you.
“So, every time dumarating yung sasakyan ko, talagang malaking bagay na yung makamayan ko sila. Yung makita nila ako ng malapit at mahawakan,” balik-tanaw ni Ate Vi.
Wish ni Ate Vi: “Sana, makabalik ako for a special.”
Gusto raw ulit niyang makapag-perform sa MET.
“Given a chance to celebrate my 60 years in showbiz… gusto ko sa MET! Tho, nothing is final yet.
“Sana… sana… sana! [thumbs up, pray, smile, heart emoji] landmark na din sa TV career ko ang MET. Memorable!”
May part 2 pa ang pagbabalik-tanaw ni Ate Vi sa MET.














