Latest News

Ate Vi balik-showbiz, willing makatrabaho ang newcomers

Ni Beth Gelena

ANG actress-politician na si Vilma Santos-Recto ang guest sa livestreamed fundraiser for Odette victims ng ABS-CBN last Wednesday.

May 23 years ding nanungkulan ang Star For All Seasons na si Ate Vi kaya pansamantala niyang iniwan muna ang industriya para maging isang public servant.


Ngayong 2022 elections ay ‘”huminto” na si Ate Vi sa pulitika.

“This year, election year, I took a backseat

“Hindi muna ako tumakbo bilang isang public servant. Pero I thank God sa tiwalang ibinigay sa akin, kasi up to now I’m still a congressman hanggang May. Napunta sa third priority ‘yung showbiz life ko.

“Kaya ngayon na medyo I took a backseat, I’m excited na baka naman mabigyan ko ng priority ang pinagkakautangan ko ng loob, which is show business. I started here since 9 years old, nandito na ako sa pamilya ng showbiz,” sabi ni Ate Vi.


Sa pagsalang ni Ate Vi sa livestreaming, natanong siya ng kung willing ba siyang makatrabaho ang newcomers sa showbiz na tulad nila Karina Bautista at.Aljon Mendoza.

“Ang gusto ko, given a chance, makasama ko ang mga new breed of actors natin na magagaling talaga.

“A good script with our new breed of actors, I’m looking forward and I’m excited na makagawa ng isang teleserye or movie with them,” sagot ng Star for All Seasons.


Tags:

You May Also Like

Most Read