Ate Guy nagpasalamat kay PRRD sa National Artist award

Ni GERRY OCAMPO

SA wakas iginawad na rin kay Nora Aunor na maging isang National Artist na ilan taon din ipinagkait sa Superstar.


Isa si Ate Guy sa walong ginawaran ng National Artist award ng Malacanang na inihayag ng National Commission for Culture and Arts Chairman Nick Lizano last June 10.

Ang Superstar ay idineklarang National Artist for Film and Broadcast Arts together with Agnes Locsin for Dance, Salvacion Lim-Huggins for Design (Fashion), Ricardo “Ricky” Lee and Marilou Diaz-Abaya for Film and Broadcast Arts, Gemino Abad for Literature, Fides Cuyugan-Asensio for Music and Antonio “Tony” Mabesa for Theater.

Matatandaan na ilan taon din inasam ng Noranians na ibigay sa Superstar ang National Artist pero parati itong ipinagkakait sa kanya. May panahon pa nga na tinanggal sa listahan si Ate Guy ng Malacanang sa administrasyon ni former president Noynoy Aquino dahil sa drug-related issues sa kanya. Pero sa kabila nito, patuloy na umasa ang Noranians na isang araw ay ipagkakaloob din sa Superstar ang parangal at nangyari nga ito ngayong taon na ikinatuwa ng netizens.


Natural na masayang-masaya rin si Ate Guy na kaagad nagbigay ng statement tungkol dito.

“Wala po akong maisip na sasabihin ko sa ngayon dahil sa labis na kasiyahan sa aking puso at para po sa ating lahat. Sa mga taong nanalangin po at nakipaglaban hanggang sa huli para maibigay sa akin ang kanilang pinangarap na ako`y mahirang na isang National Artist for Film.


“Higit po sa lahat, walang katapusang pasasalamat sa ating Panginoon sa MAMA at PAPA ko, sa aking pamilya at sa mga anak, lalo na sa mga pinakamamahal kong mga fans at mga taong nasa tabi ko sa oras na kailangan ko sila mula noon hanggang ngayon.

“Maraming salamat po sa ating Pangulo na si President Rodrigo Duterte at mga taong nasa likod ng napakataas na karangalang ito,” ayon sa official statement ni Ate Guy.


Tags: Nora Aunor

You May Also Like

Most Read