ASPIRING SINGERS NG EBQ IPINAKILALA NA

By: Beth Gelena

IPINAKILALA sa publiko ang limang singing artists ng EBQ Music Production.

Ito ay sina Juan Gelido, Francesca Paola, Jhanine Reco, Athena Jhaireh at Jheo Vestidas.


Hindi man dumaan sa voice lessons ang limang millennial singers, hindi maitatangging gifted ang mga boses nila.

Pawang original songs ang ipinarinig ng EBQ artists sa press media last July 20 na ginanap sa Pier 1, Roces Ave., Quezon City.

Ang title ng kanta ni Juan ay “Lagi Na Lang” composed by Evergreen & Evie Quintua; “Una Kitang Minahal” naman ang song ni Francesca, composed by Nick & Evie Quintua; “Nasan Ka Na” ang kinanta ni Jhanine composed by Joyline Yorong & Evie Quintua; “Malay Mo” ni Athena, composed by Rachel Anca,
Kate Jumaquio &
Evie Quintua; at “Nais Ko” ni
Jheo, composed by Rachel Anca, Nick & Evie Quintua.


Ang over-all lyricist ng songs ay si Evie Quintua.

Iba’t ibang style ang ipinarinig ng EBQ artists sa media people.


Ang EBQ o “EXPRESS your BEST QUALITY” ay nabuo nang dahil kay DJ Alvaro na isa ring singer/composer.

May kanya-kanyang kwento sa buhay ang Gen Z singers.


Sa limang legit singers, si Athena ang nakapukaw sa aming attention.

Maganda ang boses ng 18-year-old girl.

“Hindi ko po akalain na magiging singer ako. Basta nalaman ko na lang po na eto kumakanta na pala ako. Bale magandang gift na rin po sa akin na naipakilala kami ng EBQ sa mga press kasi po birthday ko na (July 23),” kuwento ni Athena.



Walang debut party sa kanyang birthday.

Nabanggit din ni Athena na may anxiety siya, pero hindi siya aware dito. Aniya: “Yes po, meron. Bata pa po ako alam ko na. Kaya nga po minsan lutang ako. Tulad na lang po ngayon na pinakilala kami sa inyo. Anything goes lang po ako. Pero kaya ko po ang sarili ko na i-handle ito.”

Nalaman daw ni Athena na marunong siyang kumanta nu’ng four years old siya.

“Nagbabanda po ang kuya ko noon. Kapag nagpapraktis po sila sumasabay po ako. Bale ang kuya ko na po ang nagtuturo sa akin kung papano ang tamang vocalization,” kuwento niya.

Sa kanilang lima, si Athena ang tinuturo na magiging mahigpit na kakumpitensiya nila sa kanilang singing career.

Tags: Athena Jhaireh, Francesca Paola, Jhanine Reco, Jheo Vestidas, Juan Gelido

You May Also Like