Latest News

ASHLEY MAPAPASABAK SA ACTING KAY CARMINA, PAULEEN

NI WALLY PERALTA

BIG break ni Ashley Ortega ang bagong seryeng “Widows’ Web.”

Isa Kasi siya sa lead role together with Carmina Villaroel at Pauleen Mendoza.


Malaki ang sinakripisyo ni Ashley sa kanyang pangangatawan, as in to the max ang ginawa niyang pagbabawas ng timbang para ma-achieve ang karakter na ginagampanan niya sa serye.

“My character I have to put so much effort in it to create the classy and elegant character of Jackie Sagrado. Physically I have to lose weight for this character para maging mature ‘yung hitsura ko. The way I dress, my posture, how I modulate my voice, even my look, talagang pinag-isipan ‘yung peg nila,” kuwento ni Ashley.

Dahil isa sa main cast, masasabi kaya ni Ashley na mas pressured siya ngayon kaysa sa mga nauna niyang seryeng ginawa tulad Ng “Legal Wives” kung saan napansin ang husay niya bilang isang character actress.

“It’s one of the most mature roles I’ve done. Actually ito na siguro ang pinaka-mature role na nagawa ko. And ‘yung mga kasama kong actors talagang veterans.


“Nandoon ‘yung pressure but then ito naman ‘yung gusto ko ring i-challenge ‘yung sarili ko for me to grow as an artist,” Sabi ni Ashley.

Tags:

You May Also Like

Most Read