Latest News

Arci Munoz proud na isa sa ‘Artist for Sara’

Ni GERRY OCAMPO

MARAMI ang nagtatanong kung sinibak nga ba si Arci Munoz sa Kapamilya network dahil sa hayagang pagsuporta niya kay Vice President-elect Inday Sara Duterte?

Kasama si Arci sa tinatawag na “Artist for Sara” na nagkaroon ng get-together kamakailan.

Nag-post sa Instagram si Ynez Veneracion na kasama rin ni Arci sa grupo kung saan naka-red and green color along with other stars Dianne Medina, Rodjun Cruz, Isay Alvarez. Cesar Montano.

Nakasama rin nila sa photo si Inday Sara na naka-face mask.

Ang ama ni Inday Sara na si outgoing President Rodrigo Roa Duterte ang dahilan kung bakit hindi na nabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN at malamang na hindi na rin makabalik pa sa loob ng anim na taon.

Sa ngayon, wala pang nababalitang project si Arci na gagawin sa Kapamilya.

Samantalang dedma lang ang grupo nina Arci na sumuporta kay Inday Sara sa mga bumabatikos sa kanila.

Sa halip na patulan ay hindi na lang nila pinapansin, di tulad ng mga kalaban nila na walang ginawa kundi manira at kung anu-ano pa pinagsasabi sa kanila.

Tags:

You May Also Like

Most Read