Latest News

Arci Munoz cover ng fashion magazine sa LA

NI BETH GELENA

CHILL lang ang beauty ni Arci Muñoz na nasa Amerika ngayon.

Kamakailan lang ay rumampa at nag-perform ang Kapamilya actress sa New York Fashion Week.

Wah keber si Arci kahit sandamakmak ang nam-bash sa kanya.

Pero hindi mapigilan ang dumarating na suwerte sa magandang aktres.

May isa na namang milestone ang dumating sa career nu Arci.

Siya lang naman ang cover ngayon ng isang international magazine na “Now,” isang Los Angeles-based fashion and beauty magazine.

Sa IG post ni Arci, she expressed her gratitude while showing herself donning a black plunging blazer paired with baggy jeans.

“If not now, when?! Waaahh!! Thank you [so] much [for] this feature and for granting my request to shoot at the [BTS’ “ON” music video] location,” nakasulat sa caption ng post ni Arci.

Ayon pa kay Arci, ang pagsu-suot niya ng iba’t ibang outfits ay para sa celebration ng International Women’s Month.

“Here’s to strong women, may we know them, may we be with them. May we raise them!” deklara ni Arci.

Tags:

You May Also Like

Most Read