NI BETH GELENA
National Heroes Day kamakailan kaya naman naging topic ng It’s Showtime kung sino para sa kanila ang bayani.
Para kay Anne ang mister niyang si Chef Erwan Heussaff ang hero sa kanyang buhay.
Emosyonal pa ang Ausssie-Pinay aktres-TV host habang nag-e-explain kung bakit hero para sa kanya ang husband
Ani Anne: :Ang hero ng buhay ko — like sisteret, kung may Ion siya, ako naman may Erwan.”
Ang tinutukoy ni Anne na sisteret ay si Vice Ganda.
“He’s my super hero, super dad,” teary-eyed na sabi ni Anne.
“He’s really an everyday hero,” dagdag pa niya.
Kino-comfort naman ni Vice ang kanyangn sisteret.
“It’s very hard for you to juggle work and (be) a mom — sa isang araw ‘di ba sabay (which you do simultaneously in a day),” sey ni Vice Ganda.
“Niloloko-loko ko lang ‘to pero ang hirap ng ginagawa niya as nanay, asawa, tapos kailangan niyang maging entertainer n’yo. Pero dahil may Erwan siya na sasabihing, ‘Sige, ako na muna ‘to. Do your thing. Magpaka-entertainer ka muna’ — ang laking bagay no’n,” paliwanag ng Unkabogable.phenomenal star.
“That’s why he’s my everyday hero, forever and ever,” say ni Anne.