Latest News

ANNE MAS GORGEOUS PA RIN KINA ANGEL, ANGELICA, BEA AT DIMPLES

NI BETH GELENA

SUNUD-SUNOD ang mga balitang lumalabas tungkol kay Anne Curtis dahil sa kanyang pagbabalik-showbiz.

“Maingay” dahil sa nalalapit na docu-concert ng actress-TV host titled “Luv-Anne” sa April 30.

Lifestyle Asia cover si Anne for March at sa interview sa aktres, sinabi nitong ang dami niyang natutunan noong kasagsagan ng pandemya while at the same time nawala rin siya saglit sa limelight dahil nanganak siya kay Baby Dahlia.

“During her time away from the spotlight, #AnneCurtis has learned that the best lessons in life are learned through seeing the world,” ayon sa introduction ng magazine.

Say naman ni Anne: “Plus! I just might have some surprise fierce, fun and fab performances! G? LuvANNE na LuvANNE na! I’m vack mga vaaaacks!!! Luv-Anne.”

Maraming magagandang larawan ni Anne ang ibinahagi ng Asia magazine at hindi nakakasawang tingnan ang mga ito.

Hindi nga aakalaing may anak na si Anne dahil ang sexy pa rin niya.

Napaka-gorgeous niya talagang tingnan kahit saang anggulo nakatutok ang camera.

“Anne is a perfect subject para sa mga photographers.

“Kahit anong anggulo — mukha, katawan, mahahabang biyas, legs, whatsoever perfect talaga siya. Kaya favorite namin siyang kinukuhanan e. At hindi pa maarte unlike others dyan,” ang natatandaan kong sabi noon ng isang magazine photog na aming nakausap.

Which is true namanm dahil pati netizens, napapansin ang kakaibang ganda at aura ng Pinay-Aussie actress.

Hindi nga ba’t ang isa sa komento ng mga netizens sa reunion nila nina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Bea Alonzo at Dimples Romana, “Anne ia the most gorgeous actress of them all.”

Tags:

You May Also Like

Most Read