Latest News

Anne Curtis super happy sa kasalang Vice, Ion

NI WALTER PERALTA

NASA ibang bansa si Anne Curtis kasama ang mister na si Erwan Heussaff at anak na si Baby Dahlia nang makarating sa kanya ang balitang pagpapakasal nina Vice Ganda at Ion Perez sa Las Vegas last Oktubre 2021.

Agad pinanood ni Anne ang naturang vlog kung saan ay binanggit at pinakita ni Vice ang ilan sa mga litrato ng kasal nila ni Ion.


Komento si Anne sa vlog: “Congratulations to my sisterette @vicegandako! Welcome to the club! So happy for you.”

Nakita ng netizens ang komento ni Anne at marami sa mga ito ay naging masaya para sa magkaibigan na matagal na rin naman hindi nagkikita.

Matatandaang pagkatapos manganak ni Anne sa Australia hanggang nagkaroon ng pandenya, hindi na nakapag-host ang Pinay-Aussie actress sa “Its Showtime.”

Kaya pati ang hosting job niya ay napuna ng kanyang followers.


“We love u anning!!!Thank u for loving and supporting viceion halabyuuuuuu.”

“Ate Annie kelan ka po balik sa Showtime kamiss kapo.”

“Ily ate Ann, we missed you.”


Tags: ,

You May Also Like

Most Read