Latest News

ANNE CURTIS MAY INIHAHANDANG CONCERT

NI BETH GELENA

INANUNSIYO na ni Anne Curtis ang kanyang pagbabalik sa limelight, pero hindi as a host ng “It’s Showtime” kungdi ang kanyang concert na “LuvAnne.”

Ayon sa aktres, ang LuvAnne ay isang docu-concert na “bits and pieces of her life in the past two years.”


“Plus! I just might have some surprise fierce, fun and fab performances! G? LuvANNE na LuvANNE na! I’m vack mga vaaaacks!!! Luv-Anne,” anunsyo ni Anne sa kanyang Instagram.

Mapapanood ang concert ni Anne via stream sa KTX.ph at Vivamax sa April 30 at 8 p.m.


Si Anne ay may trademark na self-proclaimed non-singer, pero pinapanood pa rin siya dahil performançe level to the max kung mag-show ang Pinay-Aussie actress.

A kumikita ang kanyang concert , huh!!!


Anyway, malamang mapapanood na rin si Anne sa “It’s Showtime” before ang concert sa Abril.

Malaking bagay din kasi ‘yung personal niyang iniimbitahan ang netizens na panoorin ang kanyang comcert.
Sabi nga niya nu’ng sinelebreyt ng kanyang “It’s Showtime” family ang birthday niya… “see you soon.”

Tags: Anne Curtis

You May Also Like

Most Read