Latest News

ANNE CURTIS, BALIK-SHOWTIME NA NGA BA?

Ni Beth Gelena

MAGBABALIK na kaya si Anne Curtis sa dati niyang noontime show na “It’s Showtime?”

Last March 25, may post ng photo si Teddy Corpuz na nagdi-dinner ng kapwa hosts ng noontime show — Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Kim Chiu Jugs Jugueta, Amy Perez, Ryan Bang. Jackie Gonzaga at Ion Perez at Teddy.

And of course, si Anne Curtis.

Kasama rin nila ang “It’s Showtime” bosses sa pangunguna ni ABS-CBN chief operating officer for broadcast Ms. Cory Vidanes with program producer Leilani Gutierrez, director Jon Moll, business unit head Reiley Santiago at non-scripted format head Lui Andrada.

Tanging absent sa dinner ang bagong host na si Ogie Alcasid dahil busy sa kanyang upcoming concert na gagawin sa Amerika.
Masayang-masaya ang kahat dahil iyon ang unang pagkikita nila nina Anne magmula nang manganak ang TV host-actress nu’ng 2020 sa Australia.

Hindi agad nakabalik si Anne ng Pinas dahil inabutan sila doon ng kanyang mister na si Erwan Heussaff at anak na si Baby Dhalia ng pandemya.

Ang caption na nilagay ni Teddy sa photo: “Sarap ng family dinner and great seeing you Anne.”

Tags:

You May Also Like

Most Read