ANNE CURTIS BAGONG HOST NG ‘IDOL PH’

Ni Beth Gelena

MALAPIT nang mapanood ang Season 2 ng

“Idol Philippines.”


Sina Vice Ganda, Regine Velasquez at Daniel Padilla pa rin ang nasa listahan bilang judges.

Nawala ang original judge na si Moira dela Torre na pinalitan umano ni Rico Blanco.



Si Anne Curtis na rin ang bagong host ng “Idol Philippines” kapalit ni Billy Crawford.

Agad na komento ng isang netizen ng malamang si Regine ang isa na naman sa magiging host ng show.


“Nakakasawa na si Regine. Sa tutoo lang wala syang karapatan mag-judge ng performance ng mga contestant dahil sya mali-mali ang lyrics nya pag kumakanta sya.”

May nagtanong naman: “Wala nah c Moira?”

Iyan po ang tanong na hindi mamin masagot.

Ang nasagap lang po namin, isa na si Rico sa mga hurado, na sa palagay namin ay mas credible naman na maging hurado sa singing contest.

‘Yun lang po ang aming opinyon.

You May Also Like