Latest News

ANNABELLE BINUKING SI RUFFA

NI BETH GELENA

BINULGAR ni Annabelle Rama kung sino ang ka-textmate ng anak na si Ruffa Gutierrez habang sila ay hurado sa Sexy Babe segment ng It’s Showtime.

Si Ruffa ay isa sa original judge ng Sexy Babe, at guest-judge ang inang si Annabelle at kapatid na si Raymond Gutierrez.

Tinanong ni Vice Ganda kung ano ang masasabi niya sa pagdya-judge ni Ruffa sa SB.

“Magaling ba mag-judge si Ruffa, Tita Annabelle?” tanong ni Vice.

“Sometimes parang wala,” ang honest answer ng ina ni Ruffa.

Si Ogie Alcasid naman ang nagtanong sa celebrity mom.

“Tita Annabelle, bakit kaya parang wala siya sa sarili?”

“Baka busy sa cellphone,” sagot ni Annabelle.

Tanong uli ng singer-host kung sino ang kausap o ka-text ni Ruffa.

“Sino pa nga ba? Kaibigan mo. Si Herbert.”

Nagkatawanan ang It’s Showtime hosts, lalo na nang sinagot ni Ruffa ang ina.

“Ma, you’re so… nakakaloka ka, ma.”

Matapos ito, speechless na ang former beauty queen.

Tags:

You May Also Like

Most Read