Latest News

ANGELINE QUINTO BALIK-TRABAHO AGAD AFTER MANGANAK

NI GERRY OCAMPO

Dahil may anak nang aalagaan at bubuhayin si Angeline Quinto, okay lang daw lang kahit magtrabaho na siya.


Kapapanganak lang kasi ay tumanggap na agad ng show si Angge kasama si Erik Santos.

Sa Instagram, pinost ni Angeline ang mga larawan na kuha sa isang event kung saan makikitang may kalakihan pa ang kanyang katawan dahil nga kapapanganak pa lang ng singer.

Tila wala namang pakialam si Angeline sa kanyang hitsura na nakabalandra pa.


Taliwas sa ilang celebrity na nanganak na nagpapayat muna bago tumanggap ng trabaho.

Marami ang humanga kay Angeline dahil hindi niya ikinahiyang ilantad ang porma ng katawan matapos manganak.


Kesehodang laitin pa siya.

Hindi nga naman siya palalamunin ng hiya kung bibigyan halaga ang mga panlalait sa kanya.


Sana lang natagpuan na ni Angeline ang tunay na lalaking magmamahal at sasamahan siya habambuhay.

Tags: Angeline Quinto

You May Also Like