NI BETH GELENA
KUMAKALAT ang balitang buntis umano si Angelica Panganiban sa non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.
Isa raw ito sa dahilan kaya siya nawala sa “My Papa Pi.”
Masaya naman daw at excited ang aktres dahil magiging mommy na siya.
Noon pa man ay very vocal si Angge na gusto na niyang maging mommy kaya lang loveless siya that time.
Marami raw projects ang dumarating sa aktres, pero tinatanggihan daw niya dahil preggy nga raw siya.
Knows naman daw ng ABS-CBN ang kondisyon ng aktres.
Sa reunion nga raw kamakailan ng limang aktres — Angelica, Angel Locsin, Anne Curtis, Bea Alonzo at Dimples Romana — masayang nagkukwentuhan ang magkakaibigan.
Personal ding pinakilala ni Angge ang boyfriend.
Komento tuloy ng netizens, hudyat daw kaya ito na lalagay na sa tahimik ang magaling na aktres?
Well, if true na preggy nga si Angge kay Gregg wala naman dapat i-worry dahil parehong single ang dalawa.