ANGELICA PANGANIBAN UNANG NAKITA NG PARTNER SA SEXY MAGAZINE

NI BETH GELENA

VLOGGER na rin ang couple na Angelica Panganiban and Gregg Homan.


Pinanood namin ang kanilang vlog na simply titled “The Homans.”

Ayon sa actress, first time niyang gumawa ng vlog.

Mahiyain daw kasi si Gregg, pero napapayag din niya.


May mga tanong na inihanda ang couple na kinuha ni Angge sa kanyang socmed account.

Unang tanong ay kung paano nagkakilala ang dalawa.


Ayon sa aktres, nagsu-shoot sila ng “Huwag Kang Mangamba” noong 2018 sa Subic.

Dapat daw ay magmi-meet sila pero hindi natuloy dahil nasa New Zealand daw that time si Gregg.


“Parang hindi siya interesado sa akin.”

“It’s not like that… a matter of some business to hold,” say naman ng non-showbiz partner.

“Pero, alam mong artista.ako?”



“No?.But i seen you na sa mga magazine…. mostly sa sexy magazine,” sambit nito na ikinatawa ng aktres, sabay sabing ‘alam na kung ano ang ginagawa.”

Patuloy ng aktres, 2020 raw ay nagkaroon na sila ng chance magkita.

“Nasa Subic uli kami nun para magshoot ng HKM. Actually, si Cherry Pie Picache ang talagang may kilala kay Gregg. Pilit niyang sinasabi na makipagkita na ako kay Gregg. So ayun first meet namin sa Lighthouse. Okey naman ang first meeting namin.”

Magaan naman daw kausap si Gregg kaya nagkasundo sila.

Na-appreciate raw niya ang ginagawa ng businessman-boyfriend.

New Year 2021 nang isapubliko nina Angge at Gregg ang kanilang relasyon.

Sa isa namang katanungan ay kung magpu-fulltime na raw as a wife ang aktres.

Natawa si Angelica sa word na wife sabay hawak sa baba ng partner “wife daw.”

Sagot niya, eenjoyin daw muna ang pagiging ina sa kanilang anak tutal naman daw.ay 30 taon na rin siyang may naiambag sa industriya.

Kung may napipisil na raw ba silang grandparents ng kanilang coming soon baby.

Say ni Angelica, mga kaibigan daw nila ni Gregg.

Si Glaiza de Castro at Eusebio Ketchup ang ilan sa nabanggit ng aktres samantalang may tatlo ring pangalan na sinabi si Gregg.

Saka na lang daw nila sasabihin kung sino pang ibang grandparents ng kanilang baby.

Samantala, binaggit din ni Angelica na ang pinaghihilihan niya ay ang partner na si Gregg.

Mawalay lang ito sa kanyang paningin ay hinahanap-hanap na niya. K

aya nang magpaalam na sila sa YT at magsabing like and subscribe para ma-update ang tungkol sa kanila.

Ani Gregg: “Sana makatulong itong ginagawa mo para hindi ka na hanap nang hanap sa akin.”

By the way, first time naming nakita ang kabuuan ni Gregg sa screen.

May napansin lang kami na may pagkakahawig si Gregg sa ex ni Angge na si John Lloyd Cruz.

The way he talks, boses at sa dress up ng casual dress at maging sa pag-upo ay parang si JLC ang aming nakikita.

Isa pa ay noong nagkaroon ng bigote si Lloydie, Gregg na Gregg ang katauhan niya.

Naku, Angge, ‘wag kang magagalit ha ‘yan naman ay amin lang pansin.

Tags: Angelica Panganiban and Gregg Homan

You May Also Like