Latest News

ANGELICA NAIYAK NANG MALAMANG BUNTIS

Ni BETH GELENA

SA sobrang kasiyahan ay agad na ipinost ni Angelica Panganiban ang resulta ng kanyang pregnancy test.

Napaiyak ang aktres nang makitang doble ang guhit ng pregnancy kit.

Kasama ni Angelica ang kaibigang si Alora Sasam sa paghihintay ng resulta.

Napaiyak si Angge nang malamang positive ang pregnancy test.

Aniya: “Gusto ko ‘to pero natatakot ako, sh*t kaya ko ba?”

May post pa siyang: “Kaya ko bang palakihin si bagets?”

To which the people around her said yes.

“Congratulations madam!!! Isang karangalan na mapasama sa araw na nalaman mo ang napakasayang blessing na ito,” say ni Alora.

Ang daming congratulatory note ang natanggap ni Angge mula sa kapwa celebrities.

Ang tanong naman ng mga netizens: “kelan kaya sila magpapakasal ng ama ng kanyang first baby, Gregg Homan”

Tags:

You May Also Like

Most Read