Latest News

ANGELICA MAY HEARTFELT MESSAGE SA ANAK, CELEBRITIES CRYING EMOJIS

NI BETH GELENA

MAY maramdaming mensahe si Angelica Panganiban para sa kanyang newborn baby sabay post niya ang kabuuan ni Baby Amila Sabine nang mag-one month last October 20.

Say ni Angelica: “Pangakong ibibigay ko sayo lahat ng mga hindi ko naramdaman at naipagdamot sakin sa mundong ito at hihigitan ko pa sa kung saang mga bagay na pinalad ako. Pangakong hahawakan ko ang kamay mo at hahagurin ko ang likod mo sa tuwing hindi magiging patas ang tadhana sayo. Hindi mo lang ako nanay, ako ang magiging pinaka matalik mong kaibigan na handang mapuyat sa mga kwento mo, na susuporta at tutulak sayo patungo sa pagbuo ng mga pangarap mo.”

Maraming netizens at celebrities ang na-touch sa heartfelt message ng aktres para sa anak.

Halos crying emojis ang pinost ng celebrities lile Julia Montes, Anne Curtis at Angeline Quinto.

Tags:

You May Also Like

Most Read