Latest News

ANGEL UNANG NAKAALAM NA BUNTIS SI ANGELICA

NI BETH GELENA

TUWANG-TUWA na ikinuwento ni Angelica Panganiban kung paano nalaman niya na siya ay buntis sa partner na si Gregg Homan sa interview sa kanyang ng Inside News ng Star Magic.

“Nalaman ko siya sa hindi namin ini-expect na pagkakataon. Nalaman ko siya sa trabaho. Mag-i-start na ako ng lock-in para sa ‘My Papa Pi,’ kasama si Papa Pi (Piolo Pascual).


“And then delayed lang talaga ‘yung period ko. So kailangan ko lang talaga mag-rule out, hindi na ako mapakali. Ayon kay Google ‘yun na lang ang hindi ko chini-check.

“So sa isip-isip ko naman parang imposible kasi we’ve been trying kaya lang lagi namang negative ‘yung result. So parang ayaw ko na ma-heartbroken. So parang ‘hindi feeling ko darating ‘yung period ko,: kuwento ni Angge.

“Litung-lito ‘yung pagkatao ko na parang ‘di ko mayakap ang mga taong gusto kong yakapin. Parang wait lang sino kayo? Litong-lito talaga ako.

“Siyempre gusto ko puntahan ang mama ko, gusto ko siyempre makasama ang partner ko, na kami ang magse-celebrate, kami ang magkasamang pupunta sa hospital, kami ang magpapa-check up together. Talagang ang weird nang naramdaman ko. Talagang nag-earthquake ang katawan ko, nanginginig ang kamay ko. Then nagpa-panic na ako, kasi ‘di ko talaga alam ang gagawin ko,” dagdag pa ni Angelica.


Nag-iyakan sila ng kanyang partner nang ipaalam niya rito na sila ay magiging mga magulang na.

“Hindi na kami nagkaintindihan, nag-iyakan na kaming dalawa. …Tapos pinapaulit niya sa akin ‘yung test. Sabi niya ‘ulitin mo ulitin mo.’ Sabi ko ‘hindi ito parang COVID na may false positive. Kapag nag-positive ka, positive ka na.’ So siya ‘yung nagpa-panic kasi ang layo ko. Nasa Subic siya, nasa Antipolo ako so parang gusto niya akong puntahan. ‘Di pwede naka-bubble ako, naka-RT-PCR kami lahat dito, mahirap. Talagang ang hirap ng mga unang oras namin. So parang gusto kong tumakas, gusto ko talaga umalis. Gusto mo yakapin ang person na ‘yon, pero wait, hintayin natin,” mahabang kuwento ng aktres.

Ayon pa kay Angge, hindi raw madali ang unang tatlong buwan ng kanyang pagbubuntis.

Pero, ini-enjoy daw talaga ang kanyang pagbubuntis


“Lahat ng mga kaibigan ko kapag may nabubuntis, ako ‘yung mahilig mag-interview kung ano ang pakiramdam ganyan. Tapos naa-amaze lang ako sa pagiging babae, parang ‘wow ang galing, mararamdaman ko kaya yan?,” nakangiting sabi pa niya.

Kaya nu’ng dumating na preggy na siya, kahit mahirap daw ang pagsusuka, “ini-enjoy ko lang.”

Sa reunion party nilang magkakaibigan kamakailan lang with Anne Curtis, Angel Locsin, Bea Alonzo, at Dimples Romana, inamin ni Angge na si Angel ang unang nakaalam na buntis siya.

Tags:

You May Also Like

Most Read