NI BETH GELENA
LIKAS na talaga ang kabutihan ng puso ni Angel Locsin.
Kahit natalo ang kanyang sinusuportahang kandidato na si VP Leni Robredo, nag-donate pa rin ang aktres ng food packs para sa PPCRV (Parish Pastoral Council Responsible Volunteers) volunteers.
Nagpasalamat naman ang PPCRV sa gesture ng actress.
“Thank you to our real-life Darna, Ms. Angel Locsin, for the food packs para sa sa ating #PPCRVvolunteers
“Nakakabusog hindi lang sa tiyan pati na sa puso. God bless you po, ” pahayag Ng PPRCV.
Ang PPCRV command center na nasa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion at mag-ooperate hanggang May 20.
Ayon kay PPCRV spokesperson Vann Dela Cruz, they are “not seeing anything that should be of any concern” mula sa kanilang unofficial parallel count, as of May 11.
In-assure rin ni Dela Cruz na agad niyang ipagbibigay-alam sa publiko kung may makikita silang hindi kanais-nais na issue sa katatapos na botohan.