Latest News

ANGEL LOCSIN NAGING MOMSHIE NINA JOSH, BIMB

Ni Beth Gelena

HABANG dumadaan sa tests para sa kanyang karamdaman si Kris Aquino, tumayong “mother” ng dalawa niyang anak an sina Joshua at Bimb ang kaibigang aktres na si Angel Locsin.

Kasama niya ang dalawang anak na sina Joshua, Bimby at Angel Locsin sa compilation ng mga isinagawang test sa kanya.

Kuwento ni Kris: “I won’t lie to you, there’s this parang nabugbog ng bongga feeling in my lower spine BUT apart from my medicinal limitations, halos wala na kasi akong fat to help ‘CUSHION’ my bones… kaya exaggerated ang sakit, skin then diretso sa buto. Process and hit or miss para makahanap ng okay na pwesto ‘pag hihiga at kung uupo.”

May iba pang tests na gagawin kay Kris.

“I constantly remind myself : To keep thanking God since my current pain is temporary. Malalagpasan rin kaya bawal umangal, marami ang mas malala ang pinagdadaanan, at may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat, at patuloy na magdasal,” say pa ng Queen of All Media.

“Mas delikado pa raw kung mag-allergy ako sa dye na gagamitin sa test. Mag ingat lang daw dahil mabilis mag-spike ang blood pressure ko pag may urticaria flare; when forced to endure physical pain; when i’m emotional, anxious, or stressed.”

Super-thankful si si Kris kay Angel at sa mga doktor na nag-aalaga sa kanya.

“Thank you to my friends, the lovable feeling both ‘stage mother’ and main character in Grey’s Anatomy to both Kuya Josh and me, Angel (Locsin) Arce, and the feeling doktora (doctor) even though mommy niya (her mom) is the real MD, who was scolding me for not pressing the pain reliever auto release button kasi ayokong maging dependent, ‘hindi ito test ng tapang,’ Anne Binay Alcantara.”

Sa last post ni Kris, nakauwi na silang mag-iina.

“Nakauwi na kami… this was our last pic before heading to our temporary, leased home… maghihintay na lang for my bone marrow test results. Super blessed to have the LOVE and concern from these 2 giants, through them binigay ni God so much more than i could ever deserve. #grateful #family”

Tags: ,

You May Also Like

Most Read