VIRAL ngayon si Andrea Brillantes sa social media dahil sa video kung saan kasama niya ang American singer na si Sabrina Carpenter.
Nanood kasi si Andrea ng concert ng nasabing sikat na foreign singer July 25 sa New Frontier Theater.
Napansin siya ni Carpenter dahil nagkataong nasa front seat siya kaya agad nag-viral sa social media ang video na kinakausap siya ng singer.
Mapapanood sa video na tinatanong siya ni Carpenter kung bakit siya galit.
“Why is she mad? I wanna know!” tanong ni Sabrina.
Ang sagot ni Andrea: “I think they know.”
Ang sunod na sinabi ni Andrea ay may mga tao raw na sumisira ng kanyang reputasyon.
“I’m also just a victim but I never told them anything. But with your songs, it was like you were the one who was speaking to them for me. That’s why I love your songs so much,” say ni Andrea kay Sabrina.
Narinig ni Sabrina ang sigawan ng tao kaya nagtanong ito ng: “Oh, it’s a guy? No sh*t, it’s always a guy. I’m kidding.”
Kaya naman muling naghiyawan ulit ang audience.
“You all know this guy?” tanong ni Sabrina at sumigaw ang crowd ng “yes.”
“Is he here?” tanong ulit ng American singer.
“Well, he doesn’t have taste!” say ni Sabrina, na lalong nagpasigaw sa audience.
Sa kanyang Twitter account ay mistulang nasa cloud nine si Andrea nang ikuwento niya ang nangyari.
“Oh, my God. the Sabrina Carpenter just noticed me, picked me, looked at me, talked to me, first bumped me, held the mic for me. I don’t know what to say… I love you so much, you’re amazing,” tweet ni Andrea.
Sabi pa ni Andrea: “Ang panget ng English ko du’n! She’s so freaking pretty and mesmerizing I forgot how to think and to speak proper English. I’m so sorry I was literally shaking, ‘di ako makapaniwala sa nangyayari, eh!”
Nagpasalamat din ang controversial young actress sa crowd na very supportive.
“And thank you sa napaka-warm na crowd kanina! Very supportive also. HAHAHA! Grabe I was literally so scared when she called me, kasi ayaw ko na magalit mga tao sa ‘kin, haha, but this was a different experience. Thank you sa mga nandu’n, “ dagdag ng aktres.
Matatandaan na noog manood din si Andrea ng concert ng BlackPink sa Pinas last March ay napansin din siya ng sikat na K Pop group na tgat time, kasama pa niya ang boyfriend na si Ricci Rivero at nasaksihan pa ng grupo ang “promposal” ng actress sa boyfriend para sa Star Magical Prom.
Ano kaya ang nararamdaman ngayon ni Andrea sa tuwing sumasagi sa isip niya ang naturang pangyayari na siya pa mismo ang nagyaya kay Ricci na maging kasama sa nasabing event?
Anyway, sa ganda at lakas ng dating ni Andrea ay siguradong marami pang suitors ang darating sa aktres.