Latest News

ANDREA BRILLANTES, ICE SEGUERRA BIBIDA SA KAPAMILYA SERYE

NI BETH GELENA

ANG Kapamilya young star na si Andrea Brillantes ang napili ng ng ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainment, at ang iWantTFC para sa.programang “Drag You & Me.”

Ani Blythe sa kanyang IG stories: “I am so thankful na ako ang napili nila. Exciting ang series na ito and excited din ako alam ko na marami rin akong matututunan about it.”

Dagdag pa niya: “Gusto ko na ‘yung generation namin ay mas maging open. Hindi lang generation ko, lahat, maging open sa community na ito at suportahan.”

Makakasama ni Andrea sina Christian Bables, JC Alcantara, Romnick Sarmenta, KaladKaren Davila, and real-life drag queens Brigiding, Viñas Deluxe at Precious Paula Nicole.

“This is something na excited akong maipakita sa mga tao,” sey ni Bables.

“Nung pini-pitch sa akin ito that time tapos biglang sinabing drag queen, sabi ko, game ako kasi macha-challenge ako lalo,” ayon kay Alcantara.

“Bago na naman ito sa tingin ng mga tao. Ang magiging center pa ng story ay story ng mga drag queens,” pahayag ni Brigiding.

Kasama rin sa serye sina Ice Seguerra, Jon Santos, Lance Carr, PJ Endrinal, Jeric Raval, Amy Nobleza, Yves Flores, Noel Comia Jr., at Xilhouete.

“This kind of storytelling ay nami-miss ko na. It’s a very nice story that I’m very willing to tell,” ayon jay ni Jon.

“I am actually happy. It’s been a long time since I did a show, a show that has very… masasabi ko na yung topic is very close to my heart. Through this show ‘Drag You & Me’ makikita ng mga manonood na, hey ‘yung LGBT family pala ay pareho rin pala nang mga pinagdadaanan kagaya ng mga normal families,” paliwanag ni Ice.

Tags:

You May Also Like

Most Read