NI GERRY OCAMPO
MATAPOS ang ilang buwan na paninirahan sa Maynila, balik- Siargao na ang pamilya ni Andi Eigenmann.
“Last series of snaps with this concrete jungle as background. I know the scenic coconut trees will still not be as lush and green as it used to be, but to us, there`s just no place like home. Stay tuned and join us once again, as we hit the road and make our (long) way back home!” post ni Andi sa kanyang socmed.
Sobrang na-miss na raw ng pamilya ni Andi ang kanilang bahay sa Siargao at kailangan na nilang ayusin ang nasira nilang tahanan dahil sa sobrang pagmamahal nila sa Isla.
Nag-hit sa YouTube ang vlog nila na “Happy Islanders” dahil ipinakita ni Andi ang simpleng pamumuhay nila sa Siargao.
Hindi rin nakalimutan nina Andi at partner niyang si Philmar Alipayo na tulungan ang mga kababayan sa isla, lalo na sa mga nawalan ng kabuhayan sa Siargao dahil sa pananalanta ng bagyong Odette.