Latest News

ANAK NINA BOSSING VIC, PAULEEN, HUMIHINGI NA NG BABY SISTER

NI WALLY PERALTA

MALAKI-LAKI na rin ang unica hija ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto na si Tali.

Nag-lie low.si Pauleen sa showbiz nang isilang niya si Tali.


Tanging ang pagiging co-host sa Eat Bulaga ang kanyang pinagkakaabalahan.

Noong birthday ni Tali last November, nagulat ang mag-asawang Vic at Pauleen sa birthday wish ng kanilang anak — ang magkaroon na ng kapatid at feel daw niyang ang isang baby sister.


Ngayon taon ay nagulat na lang ang mga followers ni dabarkads Pauleen nang mag-post siya ng isang larawan kung saan ay kasama niya si Tali at may nakalagay na caption na: “Forever you and me. For a baby sis/bro for Tali bachuchi tho!”

Knows naman ng lahat kung gaano kamahal ng mag-asawa ang kanilang unica hija and for sure pilit nilang tutuparin this year ang special wish ng kanilang “bachuchi.”


Last January, nagdiwang sina Vic at Pauleen ang kanilang 6th year wedding anniversary.

Does this mean magho-honeymoon muli ang couple para mabigyan ng kapatid si Tali?

Tags: Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto

You May Also Like

Most Read