ANAK NI RUFFA NA SINA LORIN, VENICE MAY REUNION SA AMA SA ISTANBUL

NI BETH GELENA

MAY compilation photos ng mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice noong mga bata pa sila na pinost niya sa kanyang Instagram account


Nilagyan niya ito ng caption na “After 15 long years apart, a beautiful reunion will finally take place in Istanbul this weekend. #TogetherAgain.”

Tinag niya ang dalawang anak at ex-husband niyang Turkish-businessman tycoon na si Yilmaz Bektas.

May post na heartwarming video rin sa kanyang IG ang actress-former beauty queen ng mga larawan nina Lorin at Venice kung saan makikita rin ang photo ni Yilmaz


Ayon kay Ruffa, naka-set na mag-reunite ang dalawa niyang magagandang anak sa kanilang ama with his family sa Istanbul, Turkey.

Natuwa naman ang netizens na naghilom na ang sugat na tinamo ni Ruffa sa dating asawa.


Matagal na panahon ding ininda ng rumored girlfriend.ni Herbert Bautista ang sakit na dinulot ni Yilmaz sa kanyang puso.

Ngayong nag-mature na ang aktres ay maluwag nà sa kanyang loob na makita nina Lorin at Venice ang ama.


Lalo na raw si Venice, as what Ruffa told sa kanyang last presscon a month ago.

At ang isa niyang sinasabing dahilan ay natatakot siya na baka makidnap ang kanyang mga anak.

Kilala kasing matatag na negosyante sa Istanbul ang ex ni Ruffa at maraming kalaban sa negosyo



Pero ngayong malalaki na ang mga anak nila ni Yilmaz, wala na siyang agam-agam para hindi payagang pumunta sina Lorin at Venice sa Istanbul kung saan yun talaga ang kanilang homeland.

Ang legal separation nina Ruffa at Yilmaz ay na-grant last 2012.

Tags: Ruffa Gutierrez

You May Also Like