NI BETH GELENA
BININYAGAN na ang anak nina Elisse Joson at McCoy De Leon na si Felize, who is now 10-month-old.
Very intimate lang ang binyagan na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang mga kaibigan.kasama na mga ninong at ninang ni Felize.
Ang cute pagmasdan ng young partners habang karga ang kanilang bundle of joy.
Sari-sari ang commnents ng netizens: “Grabeee. Good looking family!!!”
“Parang mga highschool lang sila tignan hehe”
“cute talaga ng baby nila”
Tanong naman ng isa: “Ang wedding kelan? lol”
Papuri naman kay Elisse bilang isang ina: “Very obvious Motherhood makes Elisse more beautiful.”
“Beautiful family ????????”
“I wish for them a lifetime of togetherness and happiness? Feeling Fairy godmother lang ??”
Isa nga maintrigang tanong ng isang netizen: “Dumating Kaya si Ninong Pinoy Big Brother hahahahah”
Matatandaang nag-volunteer si Big Brother nung dumalaw ang magdyowa sa Bahay ni Kuya last year kung saan inamin nilang may cute baby na raw sila.
Sa PBB house umamin ang young celebrity couple dahil sa nasabing reality show nabuo ang kanilang pagmamahalan.
At doon nga boluntaryong sinabi ni Big Brother na gusto niyang maging ninong ni Felize.