Si Lisa Marie Presley, singer-songwriter at anak nina Elvis at Priscilla Presley, ay pumanaw na
Siya ay 54.
“It is with a heavy heart that I must share the devastating news that my beautiful daughter Lisa Marie has left us.
“She was the most passionate strong and loving woman I have ever known. We ask for privacy as we try to deal with this profound loss. Thank you for the love and prayers. At this time there will be no further comment,” pagkumpirma ni Priscilla sa PEOPLE Huwebes ng gabi.
Noong Huwebes ng umaga, isinugod si Presley sa ospital dahil sa heart attack.
Kinumpirma ng isang tagapagsalita ng Los Angeles County Sheriff’s Department sa PEOPLE na rumesponde ang paramedics sa bahay ni Presley sa No. 5900 Block, Normandy Drive sa Calabasas, California
Sinimulan ng mga paramedic ang CPR at nang mapansin na ang pasyente ay may “palatandaan ng buhay,” isinugod ito sa isang lokal na ospital para sa kaagad na tulong medikal.
Isang tagapagsalita ng Los Angeles County Fire Department ang nagkumpirma sa PEOPLE na ang unit ay ipinadala sa address para sa isang cardiac arrest call.
Ipinanganak sa Memphis, Tennessee noong Peb. 1, 1968, eksaktong siyam na buwan pagkatapos ng kasal nina Elvis at Priscilla, saglit na pinalaki si Lisa Marie sa lugar bago lumipat sa Los Angeles sa edad na 4 kasama ang kanyang ina kasunod ng diborsyo ng kanyang mga magulang noong 1973.
Namatay si Elvis Presley noong Agosto 1977, dahilan para 9-anyos na si Lisa Marie na tagapagmana ng kanyang ari-arian kasama ang lolo na si Vernon Presley at ang lola sa tuhod na si Minnie Mae Hood Presley. Kasunod ng kani-kanilang pagkamatay noong 1979 at 1980, siya ang naging nag-iisang tagapagmana at minana rin ang tirahan ng kanyang ama sa Graceland.














