Latest News

ANAK NG TARLAC CITY MAYOR PUMIYOK SA PATUTSADA NI KRIS

NI BETH GELENA

BIGLANG nag-react ang anak ni Tarlac City Mayor Cristy Angelina na si Anvi Angeles sa binitiwang mga salita ni Kris Aquino sa campaign rally sa Tarlac ni VP Leni.

Ayon sa Queen of All Media — na wala naman siyang tinutukoy kung sino — that she is really pissed off by people who has no “debt of gratitude” or “utang na loob.”

Agad namang nag-post sa kanyang Facebook account ang anak ng Tarlac Mayor na si Anvi at tinanong kay Kris kung ano raw ang “utang na loob” ng kanilang pamilya na sinasabi ni Kris?

Dagdag pa ni Anvi, may malisya raw ang pag-akusa ng TV host sa kanyang ina in public and and that she cannot let Krissy’s lies and intrigues malign her mother.

Ang mahabang post ni Anvi sa kanyang FB: “Ms. @krisaquino , we would like to know kung ano po ang “utang na loob” ng family namin na binabanggit niyo?”

“Since the beginning, we had high respects for your family. Sa amin pong pagkaka-alam, never did we ask for any help or favor from your family. Ilang beses po humingi ng tulong si Ma’am Cory sa family namin since PNoy ran for Congress and Senate. And when he ran for president, my mom was tasked to be the provincial convenor under the People Power Volunteers for Reform here in the province of Tarlac. Wala po kaming hiningi ng kahit anong tulong o pabor (pinansyal man o trabaho) na kapalit sa pamilya ninyo. Ito po ay sa kadahilanang mataas ang aming respeto sa inyong ina. I was a silent witness to the sacrifices, kapaguran at malasakit ng parents po namin sa family niyo po. But for you to maliciously accuse my mom in public of ‘walang utang na loob,’ I cannot let your lies & intrigues malign my mom just for the political mileage of your candidate.

“We owe it to Boss Danding and Cong. Henry Cojuangco when they encouraged my mom to run for Board Member and then city mayor under the NPC. Apparently, hindi po niyo alam ang nangyayari dito sa Tarlac City.

“For me, this is not the style of a Grand Rally Campaign for a presidential candidate that a national figure like you to be personally attacking a small city mayor like my mom. Kahit ganito Lang po kami kaliit na tao, marami pa rin naman po ang naniniwala, nagtitiwala, at rumerespeto sa aking ina lalo na po sa kanyang karakter at kakayahan. Siguro po naturuan din kayo ng tamang pag-uugali ng magulang po ninyo. We hope and pray that whatever hatred, anger, and jealousy inside your heart and mind will be replaced with kindness, love, and patience. Praying for God’s enlightenment.”

Naku, mukhang magiging stressable na naman si Kris dahil lang sa pagsasalita niya sa stage sa campaign ni VP Leni.

Hindi nga ba’t maging ang ex niyang si Herbert.Bautista ay nilaglag din niya nu’ng araw ding yun?

Sabi ni Kris patungkol kay Bistek, bakit daw iboboto na maging isang senador ang hindi marunong tumupad sa usapan…

Anyway, ano naman kaya ang isasagot ni Kris sa mahabang rebelasyon ng anak ng Tarlac City mayor?

Tags:

You May Also Like

Most Read