NI BETH GELENA
COLLECTOR ng paintings ang broadcaster na si Julius Babao.
Nag-trending kamakailan ang artist at architect na si Neil Christian Simon Onza, na tubong-Abulug, Cagayan, dahil ang kanyang mga mga obra ay nilalagyan niya ng twist.
Unique ang naisip niyang twist sa mga painting na ginagawa.
Paborito niyang medium ang oil at saka lalagyanan ng nakakaintrigang twist.
Sa unang tingin ay aakalain na nakabalot sa plastic at may lubid pa ang kanyang paintings.
Pero “painting” din pala ang plastic at lubid.
Noong May 13, 2021 ay nag-post ang pintor ng portrait ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.
Sinabi niyang ang lubid at plastic na nakabalot ay painting din.
Kuwento niya sa Facebook page ng Philippine Information Office (PIO), isine-share niya sa social media ang kanyang artworks para makita ng publiko ang isang bagay na hindi pa nila nakikita.
Aniya sa isang panayam: “Yung illusion, pag nakikita nila yung painting, mapapaisip po sila kung totoong painting po ba yung tinitingnan nila or not.”
Ang nasabing painting ni Kathryn ay pag-aari na ngayon ng mag-asawang broadcast-journalists na sina Julius Babao at Christine Bersola.
Unang pinost ni Julius sa kanyang Instagram ang portrait ng aktres, na iniregalo ng kasamahan nila sa TV5 na si Chinkee Tan, na isa ring author at entrepreneur.
Ang caption na isinulat nj Julius sa larawang ipinost: “Amazing artwork. Grabe ang details.”
Nai-feature rin si Neill at ang obra niyang “Spoliarium” ng Philippine Information Agency Region II noong March 27, 2022.
Payo ang pintor sa mga baguhang artist: “Huwag maging jack of all trades dahil baka ang mangyari ay maging master of none.
“I think it is better to be good at something than to become mediocre at everything.”