NI BETH GELENA
ISA sa winner si Alexa Miro, ang rumored girlfriend ng Presidential son Congressman Sandro Marcos, sa Asia’s Pinnacle Awards na ni-launch sa Quezon City.
Siyempre pa, hindi inaasahan ng sexy actress TV host na kukuyugin siya ng reporters para tanungin sa relasyon nila ni Cong. Sandro.
Ani ng Tropang LOL cohost: “I have come to terms with it, I’ve learned how to blur out the background noise and focus on how I can help others.”
“I’ve learned to mute and not open messages and write comments,” say niya ukol sa mga negatibong komentong nababasa.
Ayon pa kay Alexa, halos ang negatibong comments ay ang pagkakadawit umano ng kanyang pangalan sa anak ng Presidente.
“It can be addicting to read messages and trying to find even one positive comment so I stopped,” aniya.
Hindi naman nagkait ng kwento si Alexa sa media at sinabing apat na taon na raw ang ‘friendship’ nila ni Sandro, whom she described as part of her core system.
“He told me these wise words, that a lion doesn’t concern itself with thoughts of sheep,” sabi ng aktres.
Yun daw ang advice sa kanya ni Sandro after niyang ma-bash nang um-attend siya sa oathtaking ng rumored boyfriend sa Malacanang.
Um-attend din daw siya sa nakaraang 63rd birthday party ng ina ni Sandro na si First Lady Liza Araneta-Marcos.
“My wish is that she will keep her strength and just be the ferocious wife, mother and attorney. Actually I look up to her!” ani Alexa sa kanyang “Tita Liza.”
Sa tanong kung gaano raw kaya magtatagal ang “friendship” nila ng Presidential son.
“I just hope na magtagal ‘yung friendship at core system namin,” sey niya.
Si Alexa ay nanalong Asia Pinnacle Rising Star award.
Si Tyrone Escalante ang manager ni Alexa na nagha-handle rin kay Jane de Leon, ang bida sa Darna.
Napili rin si Jane as Pinnacle Actress of the Year.
“I’m happy for Jane as the new Darna and Tyrone dahil alam ko rin ang hirap na pinagdaanan nila,” ani Alexa.