Latest News

ALEXA KINILIG SA HARANA NI KD

NI BETH GELENA

SINA Jhong Hilario at Ryan Bang ang magka-partner sa “Magpasikat” performance nila para sa “It’s Showtime” anniversary.

Yearly ay ginagawa ng mga host ang “Magpasikat” para sa kanilang anibersaryo dangan nga lang ay na-late sila this year dahil last month pa natapos ang kanilang anniversary.

Kanya-kanya ng concept ang hosts tulad na last Tuesday na sina Ryan at Jhong ang sumalang.

Ang concept nila ay ang magandang relasyon ng mga Pilipinas at ng South Korean.

Sa kanilang performance ay pinakita nila ang history at kultura ng dalawang bansa sa pamamagitan ng traditional Filipino at Korean dances.

Kasama nilang nag perform ang sikat na reel and real loveteam na sina KD Estrada at Alexa Ilacad.

Pinakita nila kung paano manligaw ang mga lalaking Pinoy.

Hinaharana ni KD si Alexa na kilig na kilig sa performance ng boyfriend.

Kasama rin sina Chunsa Jung, Kaori Oinuma, sisters Mela and Stella Francisco, and other guest performers.

Nag-perform din ang South Korean group na TFN ng kanilang single na “Amazon.”

May surprise din para ang team ni Jhong — ang special video messages mula sa South Korean stars na sina Sandara Park, Thunder, Nancy McDonie of Momoland, K-pop groups TAN at Lapillus.

Nakumpleto ang episode nina Jhong sa song number ni Bayang Barrios.

Ang “Magpasikat” ay annual showcase ng “It’s Showtime” kung saan ang mapapanalunang cash prizes ay idodonate nila sa chosen charity.

Tags:

You May Also Like

Most Read