AYON kay Alden Richards: “Dapat by 35, kasal na ‘ko.”
Ito raw ang kanyang sinasabi sa kanyang sarili.
Pero ang problema. wala pa rin siyang karelasyon hanggang ngayon.
Aniya, naghahanap naman daw siya ‘yun nga lang tingin niya ay hindi nagwo-work kapag pinipilit.
Gusto daw niya magkaasawa at gusto niyang buo ang kanyang pamilya.
“The more ko siyang pinipilit, the more siyang nawawala. Parang buhangin po eh, the more kang kumakapit sa buhangin, lalong kumakawala sa kamay mo;” ani Alden sa panayam ni Ogie Diaz.
Aniya, gusto niya magkaroon ng buong pamilya.
“Gusto ko po may asawa. Mahirap po ‘yung single parent. At tsaka ayoko po i-deprive yung anak ko na lalaki siya na tatay lang ‘yung kilala. Gusto ko buo ‘yung family.”
Ang Kapuso aktor ay binansagang “The Asia’s Multimedia Star” matapos makatanggap ng Asian Star Prize awards sa 14th Seoul International Drama Awards noong 2019 sa acting.
Nakilala siya bilang kapareha ni Maine Mendoza sa tandem nilang AlDub sa noontiem show na “Eat Bulaga.”