INAASAHAN ng Holywood legend na si ni Al Pacino ang kanyang ikaapat na anak sa edad niyang 83.
Nagsimula ang tsismis sa bida ng “The Godfather” at sa 29-anyos na si Noor Alfallah nang makitang magkasamang kumakain ang dalawa noong Abril.
Ang dalawa ay naiulat na nagsimulang mag-date mula pa noong pandemya, ayon sa ilang showbiz sources.
Si Noor, na isa producer, ay napabalitang dati nang nakipag-date sa Rolling Stones frontman na si Mick Jagger ng mahigit isang taon at mula 2018 hanggang 2019 ay namataan na madalas silang magkasama ng actor-director na si Clint Eastwood.
Si Pacino ay mayroon ding tatlong iba pang mga anak mula sa kanyang nakaraang relasyon — sina Julie Pacino, Anton Pacino, at Olivia Pacino.














