Latest News

AJ RAVAL PUMATOL NA SA BASHERS

Ni WALLY PERALTA

TULAD ng inaasahan, inulan na naman ng katakut-takot na komento ang social media account ni AJ Raval dahil sa kumalat na photo nila ni Aljur Abrenica na magkasama sa isang hotel noong Valentine’s Day sa Leyte.

Depensa ni Aljur Abrenica, kasama niya si AJ dahil work-related umano ang trip na yun.


Pero bakit andun sila sa hotel ni AJ?

Giit ng aktor, kumain at nagbihis lang daw sila, tapos ay umalis na rin sila agad.

Pero kung dati ay hindi pinapansin ni AJ ang kanyang bashers, to the point dinetox muna niya ang kanyang socmed, ngayon ay diretsahan na niyang sinasagot ang mga ito.

Tila may pang-aasar pa na “bash pa more” ang peg ng young star.


“Maraming taong mas pinipiling maging bobo kesa piliin na maunawaan at maintindihan ang sitwasyon ng iba.

“Welcome sa lahat ng bashers, comment lang kayo. Feel free to bash don’t be shy ilabas nyo yang galit nyo na makakatulong sa buhay nyo at sa ika uunlad ng pilipinas,” matapang na sabi ni AJ.

Kahit below the belt na ang pamba-bash sa kanya hindi na ito pinalalampas ng sexy actress.

Asar-talo itong sumasagot sa mga komento, tulad ng bash ng isang netizen na: “Maghubad ka na lang AJ Raval. Di pede sau topic na pang matalino.”


Simpleng sagot ng anak ni Jeric Raval na may halong pang-aasar: “Tama!!!!!”

Tags:

You May Also Like

Most Read